Tunggalian ng Tao at Kalikasan


Kian Matthew E. Santos
        
      Ano ang tunggalian? Ito ay labanan sa pagitan ng dalawang magkasalungat na pwersa katulad ng tao laban sa kalikasan o tao laban sa tao, mga tao laban sa kalamidad at tao laban sa sarili.


    Ang bundok ay ginawan ng hagdan upang makatulong sa mga tao sa kanilang pag-akyat sa bundok

Ang bundok ay ginawang turismo ng tao at dahil dito maraming basura ang nakikita sa bundok

Ang mga puno ay pinuputol ng tao. Ang sanhi nito ay ang pagkaroon ng mga baha.


Ang bundok ay nilagyan ng daan ng tao para mapadali ang biyahe.

Bahay na bato gawa ng tao na tinubuan ng mga damo.

Mga gusaling malalaki sa tabi ng dagat na nakakadagdag dumi sa sa dagat.

Ang mga hayop ay naguguluhan dahil sa dami ng tao na nakapaligid sa kanila.

Mga sasakyang pandagat na naglalabas ng mga langis at humahalo sa dagat.

Ang tao ay walang protekyon laban sa init na binibigay ng araw.


Ang kalikasan ay nagbibigay din ng sobrang lamig ng panahon na kailangang paghandaan upang hindi magkasakit.


Ang apoy ay ginagamit pag nalalamigan at pag nagluluto ngunit ito rin ay nagiging dahilan ng pagkasunog ng mga bahay.

Ang araw ay nagsisilbing katunggali ng tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng matinding init na maaring ikasunog ng ating balat.


Ang pagtapyas ng mga bundok ang nagiging dahilan ng mga pagbaha at pag guho nito na maaring ikapahamak ng tao pag ito ay nabagsakan.


Ang pag gamit ng mga sasakyang ginagamitan ng gasolina ay isang sanhi ng pagdumi ng ating hangin malaki man o maliit na sasakyan ay malaking kontribusyon sa polusyon.

Ang dahilan ng pagiging tuyot ng tubig sa ilog ay sanhi ng mga duming itinatapon dto kaya namamatay ang mga ilog at walang mabubuhay na isda.

          Sa aking paniniwala maaring malaki ang kontribusyon ng tao sa pagkakasira ng ating kalikasan o ng ating kapaligiran. Meron ding pinsala na naidudulot ang kalikasan sa tao kagaya na lamang ng ating klima. Kailangan lamang maging tama ang lahat upang ang tao ay maging balanse sa ating kalikasan.

Comments